The image above was taken at my friend’s place when we saw each other and have some fun. I was helping a friend while she’s vomiting when this little creature show up in the scene. Since I was a little bit drunk and tipsy, the little creature doesn’t escape my naughty mind. Lol!
When I was a kid, I really fear cockroaches. When I saw a flying cockroach, the whole family will freak-out because of the disturbance I created. Most especially when a cockroach lay its feet on me! Ew! It was really a terrifying experience! Even now that I’ve grown up, nothing’s change, I’m always terrified when I saw even just one piece of cockroach.
This image is my second entry on Litratong Pinoy. I hope everyone likes it! Let’s also check the entry of the rest of the participants here.
~~~
Ang larawan sa itaas ay kuha sa bahay ng aking katropa nang minsan kami’y nakitakita at nagkasiyahan. Kasalukuyan kong inaalalayan ang isang kaibigan habang siya ay nagtatawag ng uwak (sumusuka) sa palikuran nang magpakita ang munting nilalang na ito. Dahil na rin sa nakainom at medyo tipsy na, hindi ito nakatakas sa kakulitan ko. Hahaha!
Bata pa lang ako ay likas na akong matatakutin sa ipis. Kapag nakakakita ako ng lumilipad na ipis ay tiyak na mabubulabog ang buong kabahayan dahil sa ingay na gawa ko. Lalo na kapag dinapuan ako! Ew! Nakakakilabot naman talaga! Hanggang ngayong matanda na ako, wala pa ring nagbago, kinikilabutan pa rin ako pag nakakakita ako ng ipis.
Ito ang aking ikalawang lahok sa Litratong Pinoy. Sana nagustuhan ng lahat! Tignan din natin ang lahok ng ibang pang partisipante dito.
6 comments:
Ewww! Haha! Ayoko ng ipis! Lalo na yun gparang crunchy sound and feel pag pinatay sila! Haha!
Happy LP!
Buge
http://musetales.com/?p=138
Hahaha! Ako din!
mga sisters ko ang hindik na hindik talaga sa ipis, lalo na si bunso. Iiyak yun pagnakakita ng ipis kahit ang layo layo nmn sa kanya. Ngayong dalaga na, hindi na umiiyak pero ako pa rin ang inuutusang pumatay ng ipis :-)
salamat sa pagbisita.
ewww nga, pero di ako takot sa ipis, nandidiri lang!
eto yung nakakakilabot na lahok ko
http://shiezar.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-nakakakilabot.html
Happy LP!
@Peachy and shykulasa - kakatuwa mga kwento nio tungkol sa ipis! Hahaha! Happy LP! =]
ipis!!!
haynaku, buti na lang wala na akong nakikitang ipis dito. hehehe..
Post a Comment